Sunday, January 17, 2010

Sept.28,2009-Upi,Maguindanao -Ang upi agri ventures corporation ay pormal ng inilunsad ni Upi Mayor Ramon Piang Sr.Ang agri ventures na nasabi ay isang corporation na binuo ng private at lgu-Upi.Ang nasabing corporation ay nabuo sa dahilang na ring nais tumulong ng lgu-upi sa kanyang nasasakupan at katuwang nga nito ang private sector( business sector) ng Upi,Maguindanao.Pangunahing produkto ng UAV corp. ay bio-organic fertilizer na ang brand name ay Pro-bioGold microbial fertilizer.ang naturang venture ay nasimulan sa tulong ng Pandan Agri System bilang partner kung saan nagmula ang technology(innoculant) ukol sa microbial fertilizer at ng LGSPA.
Ang production plant ng Upi Agri Ventures ay matatagpuan sa Happy Valley,Nuro,Upi,Maguindanao

harvest time uli




Harvest time uli sa place ko..April 2009, ang naging prob ay mababang presyo,ngayon naman ang dalang ng ulan at ang daming mga daga. Sa awa po ng diyos ay dininig nya ang aking dalangin at na Spare mula sa pananalasa ng daga ang tanim ko . Ang naging prob. lang ngayon ay maliliit ang bunga.Last seasonal (April 2009), gumamit ako ng Pro-Biogold Microbial Fertilizer,okey naman ang harvest. (25 bags ng Pro-Biogold Microbial Fertilizer, 1 bag ng 0-0-60, at 1 bag ng 21-0-0 synthetic fertilizer). I was able to harvest 127 bags of corncobs. Malalaki ang karamihan sa "pusu" ng mais, matangkad at mataba ang katawan nito. September 2009,second planting season, gumamit ako ng 15 bags Pro-Biogold Microbial Fertilizer, 1 bag 0-0-60 synthetic fertilizer, 1 bottle La Themgas, 1 box Crop Giant Foliar Fertilizer (yellow),( Ang paggamit ko ng La Themgas at Crop Giant ay bilang Eksperimento lamang).Napansin ko ngayon na mas maliit ang "pusu" ng mais (corncobs).



Ang area na aking tinaniman ay nahahati sa dalawa,may "lalag"(lower portion) na malapit sa basakan(rice field) at may parte naman nasa itaas o "rotor"(upper portion).Pinaghiwalay lamang sila ng daanan para sa tao at "kanga"(cart with no wheels pulled by a carabao or any animal,more like a sleigh).



Ang "lalag" (area: 25x60 meters approx.) ay bago ko lamang nagamit sa pagtatanim ng mais, ito'y pangatlong beses pa lamang mula sa pag pahinga ng lupa sa loob ng 5 taon.( ang dating itinatanim dito ay mais na rin). Sa una(second planting 2008), ang ginamit ko ay synthetic fertilizer,(16-20-0 at Urea),matataba ang puno at malalaki ang naging bunga ng mais. Sa pangalawang pagtatanim(seasonal 2009),gumamit na ako ng Pro-Biogold Microbial Fertilizer(25bags mixed with 0-0-60 and 21-0-0 synthetic fertilizer for the whole 1 hectare) ,matataba ang puno at malalaki pa rin ang naging bunga ng mais. Sa pangatlong pagtatanim( second planting 2009),gumamit ako ng 15 bags Pro-Biogold Microbial Fertilizer , 1 bag 0-0-60 synthetic fertilizer, 1 liter La Themgas, 1 box Crop Giant Foliar Fertilizer. Ginamit ko ang La Themgas at Crop Giant bilang substitute sa sidedressing at topdressing. Ang napansin ko ngayon, mataba pa rin ang puno,ngunit lumiit ang kaunti ang "pusu".

Ang "rotor" (area: 75x100 meters approx.) ay 4 taon ko ng ginagamit bilang taniman ng mais o bale 8 cropping seasons na, at 2 seasons nito ay ginamitan ng Pro-Biogold Microbial Fertilizer( seasonal and second planting of 2009). Kasabay ng "lalag" nuong seasonal ng 2009,ginamitan ko itong buong area (lalag at rotor) ng 25 bags Pro-Biogold Microbial Fertilizer,1 bag 0-0-60, at 1 bag 21-0-0. Matataba ang puno ng mais sa rotor,ngunit ng namunga na ay maliliit ang puso, di tulad sa lalag na nanatiling malalaki ang "pusu" kahit hindi na synthetic na fertilizer ang gamit. Nuong second planting 2009 naman ay gumamit uli ako ng Pro-Biogold Microbial Fertilizer(15 bags na lang) at 1 bag 0-0-60 synthetic fertilizer. Naging mas maliit ang bunga ng mais sa rotor at nanatili naman ang laki ng bunga lalag.

Nuong seasonal 2009 ay naka harvest ng 127 sacks corncobs ang buong area(lalag at rotor).Kumpara nuong gumagamit ako ng synthetic fertilizer (3 bags 16-20-0 at 3 bags urea), umaabot ng 135 sacks ang harvest at kunti lang ang gasto sa fertilizer(P5,000.00 +). Ngayon sa presyo na P400.00/sack Pro-Biogold Microbial Fertilizer + 20.00 fare =420.00/sack of 50kg.x 20 bags=P8400.00+P945.00/sack 16-20-0 P972.00/sack urea=P10,317.00 . Doble ang halaga pag gumamit ka ng Pro-Biogold Microbial Fertilizer sa Halos parehong dami ng harvests.

Ngunit ayon naman sa speaker,Engr. Isagani Deano, sa ginawang product launching,ang epekto raw ng Pro-Biogold Microbial Fertilizer ay unti-unting maibabalik ang natural o likas na taba ng lupa at pag itoy nanumbalik na ; unti unti ka ng magbabawas ng dami ng Pro-Biogold Microbial Fertilizer na ilalagay sa inyong maisan o palayan man.Kaya kalaunan mababawasan na din ang gasto sa fertilizer. At ito ay kabaliktaran ng pag gamit mo ng Synthetic Fertilizers na kung saan ay unti-unti nitong sinisira ang likas na taba ng lupa kaya ang nangyayari ay padami ng padami ang kailangang ilagay na synthetic fertilizer at palaki ng palaki naman ang gasto. At sa dahilang ito,maibabalik natin ang likas na taba ng ating lupa at liliit na ang gasto kaya kailangang I-patronize natin ang Organic farming sa Upi.

Ang Pro-Biogold Microbial Fertilizer ay ginagawa ng Upi Agriventures, sa Pahintulot Ng Pandan Agri-System.

Walang kinalaman ang Upi Agriventures at Pandan Agri-System sa Blog na ito.

Upi Agriventures,Happy Valley,Upi,Maguindanao

Monday, September 29, 2008

Bagsakan kaslukuyang sinisimulan

May bagsakan na raw ang palengke, at ito ay kasalukuyang pinasisimulan ang konstrukyon. balita ko ay di taga rito ang kontraktor at ito ay mula sa US-AID ang pondo. Puro raw tayo ngayon dahil biglaan na lang nating nalaman na meron nito. Di man lang natin narinig sa lokal na Radyo,ang Dxup, basta biglaang dumating ang mga manggagawa at nagpatayong bigla. Meron naman segurong koordinasyon sa lokal na pamahalaan ngunit kung ito ay para din naman sa mga mamamayan ay diba dapat sila ang UNANG NAKAKAALAM?

water system ng Upi

ang inaasahang water system ng Upi ,shariff kabunsuan ay patuloy na pinag uusapan. ang dahilan ay nasa town na mismo ang pag lalagay ng mga tubo. kaya ang mga taga Upi ay di maiwasang pag usapan ang naturang proyekto.

isang napakagandang pagbabago ito para sa lahat ng mamayang Upi, di lamang sa taga rito kundi sa mga bumibisita na rin lalaong lalo na ngayong darating na Meguyaya at pasko. makakaasa na ng malinis at di nauubusang tapayan ng tubig, di na rin aasa sa mg naghahakot ng tubig na mga sikad.

Sa lahat ng progreso may kaugnay na pagbabago, okey lang naman kung ito ay pataas o paunlad na kilos , ang isang mnaoobserbahan ngayon ay ang maputik na mga daan kaugnay ng konstruksyong patubig, ang mga daan na sementado ngayon ay naging maputik, ang dahilan ay ang di tamang pagtatabon o pagbalik ng mga lupa mula sa mga butas na pinaghulugan o pinagplastaran ng mga tubo ng tubig. Isa pang mapapansin ay ang di paglalagay ng mga "road signs" sa mga lugar kung saan naghuhukay ang kontraktor.

Kelan ba aaksyon ang lokal na Engineer ng MUnisipalidad ng Upi? Kung isa sa mga mamayan dito ay naaksidente? Awww,cmon,dapat madala na tayo!

Thursday, August 14, 2008

harvest time sa Upi

Harvest time na naman,maraming namang pera ang mga tao di ba! wrong!!! Sa taas ng abono at semilya (maliban pa sa pagtaas ng labor cost ngayon) ,ang dating kinikita ng mga farmers ay di katulad ng mga nagdaang taon. Ang abono lamang last year na nagkakahalaga lamang ng P947.00 at P777.00(urea at 16-20) ,ngayon ay nasa P1,900.00 at P1,800.00 na ...NGUNIT AT NAPAKALAKING NGUNIT!!!!! ang presyo ng mais ay mas bumaba pa! Last year, 2nd cropping, ang mais sa Upi ay nagkakahalaga ng mula sa P10.20-P10.30 per kilo, ngayong "seasonal"(first cropping period of the year) ang presyo ay nasa P9.60-P9.70 per kilo.
anong buhay ang inaasahan ng mga farmers ngayon darating na taon kung ganito ang kalagayan. Kahit taon-taon ay babatiin nila ang bawat isa ng masaganang bagong taon ay walang epekto. ang mga taong makakabati lang ng ganito ay ang mga financiers at mga negosyante ng mais. Sila lamang ang lubos na nakikinabang sa pagod at hirap ng mga maliliit na farmers!

Tuesday, July 1, 2008

supply ng kuryente sa upi

Ang ilaw na inaasahan ng mga taga upi na babalik ngayung martes hulyo 1, 5:oopm ay di dumating. Ayon sa dxupfm 105.5Mhz,isang lokal na istasyon ng radyo sa upi,shariff kabunsuan; ang pagbabalik ng kuryente ay naantala dahil sa hindi agad napirmahan ang letter o report para sa TRANSCO,ito ay ayun kay Datu Maido Wawa,presidente ng MAGELCO, ayun pa rin sa kanya,nagawan na ito ng paraan ngunit di na lang pinagpatuloy ang pag energize dahil may mga lineman pang nagtatrabaho sa mga poste ng magelco
hangang gabi ng martes,ika-1 ng hulyo,2008. Inaasahang bukas bago mag tanghali ay magkakaroon ng positibong resulta,o pagbabalik ng ilaw.

ilaw ng magelco sa upi