Monday, September 29, 2008

water system ng Upi

ang inaasahang water system ng Upi ,shariff kabunsuan ay patuloy na pinag uusapan. ang dahilan ay nasa town na mismo ang pag lalagay ng mga tubo. kaya ang mga taga Upi ay di maiwasang pag usapan ang naturang proyekto.

isang napakagandang pagbabago ito para sa lahat ng mamayang Upi, di lamang sa taga rito kundi sa mga bumibisita na rin lalaong lalo na ngayong darating na Meguyaya at pasko. makakaasa na ng malinis at di nauubusang tapayan ng tubig, di na rin aasa sa mg naghahakot ng tubig na mga sikad.

Sa lahat ng progreso may kaugnay na pagbabago, okey lang naman kung ito ay pataas o paunlad na kilos , ang isang mnaoobserbahan ngayon ay ang maputik na mga daan kaugnay ng konstruksyong patubig, ang mga daan na sementado ngayon ay naging maputik, ang dahilan ay ang di tamang pagtatabon o pagbalik ng mga lupa mula sa mga butas na pinaghulugan o pinagplastaran ng mga tubo ng tubig. Isa pang mapapansin ay ang di paglalagay ng mga "road signs" sa mga lugar kung saan naghuhukay ang kontraktor.

Kelan ba aaksyon ang lokal na Engineer ng MUnisipalidad ng Upi? Kung isa sa mga mamayan dito ay naaksidente? Awww,cmon,dapat madala na tayo!

No comments: